Una po sa lahat ay binabati ko ang bawat isa sa atin ng isang magandang araw!
OFW. Yun ang kadalasan naririnig natin palagi sa telebisyon, sa radyo, sa mga kaibagan, o kahit saan-saan. Ano nga ba talaga ang OFW? OFW o Overseas Filipino Workersay tawag sa mga Pilipino na pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho. Nagtatrabaho sila sa ibang bansa dahil mas malaki ang kita doon.
Para sa iba, akala nila masarap ang buhay ng mga OFW pero hindi nila alam na marahas ang kanila pinagdaanan. Marami ngayon mga balita na pag-aabuso, pang-aapi, at ginugutom ng mga amo dahuyan ang mga Pilipino sa ibang bansa. Meron din iba na hindi makauwi sa Pilipinas ng buhay kundi bangkay na lamang. Akala nila mabuti palagi ang kalagayan ng mga OFW. Lingid sa kaalaman ng marami na pilit nila nilalabanan ang pagod, puyat, sakit at matinding pananabik na makita at makasama ang mga mahal nila sa buhay.
Iniwan nila ang kanilang pamilya papunta sa ibang bansa para alagain ang mga tao na hindi naman nila kaano-ano. Minsan nga, hindi sila makapunta sa mga importante na pangyayari ng kanilang mga anak dahil lamang nahihirapan sila kumita ng pera para sa kanila. Gusto ba nila nito? Syempre hindi pero ginawa pa rin nila para sa kanilang pamilya upang bigyan sila ng maganda na kinabukasan.
Meron palagi dalawang desisyon ang mga OFW. Mananatili sila dito sa Pilipinas kasama ang kanilang pamilya ngunit hindi sila makakita ng malaking pero o magtrabaho sa ibang bansa para sa isang maganda na trabaho ngunit hindi nila makasama ang kanila mga mahal sa buhay. Hindi madali para sa mga OFW magdesisyon dahil sa bawat pagpipilian, may kapalit.
Kaya, sa mga kabataan na may OFW na magulang, huwag kayo magalit kapag hindi maibigay ng mga magulang mo ang gusto mo kaagad sa ibang bansa dahil hindi pinupulot ang pera kung saan-saan lamang. At para naman sa mga kabataan na makasama mo ang iyong mga magulang, bigayan sila ng importansya. Sa huli ka lang magsisi sa ginawa mo sa kanila kapag mawala na sila sa katabi mo.
Alam ko na hindi naman natin maiintindihan kung bakit nila ito ginagawa. Pero sa huli natin ito maintindihan, kapag mga magulang na tayo at may mga anak, kung bakit kailangan ito ginagawa ng ating mga magulang. Pero klaro na ito sa akin na ang isang dahilan kung bakit ay dahil mahal nila tayo at handa papasukin ang lahat na bagay para lamang sa ikabubuti natin.